Ngayon Lang (Awit ng Puso)

May 16, 2011
Raci Niwa
Hayaan mo muna akong umawit
Kahit boses ko ay parang naipit
Singlakas ng lindol ang hagupit
Pero pilit pa ring kumakapit

Hayaan mo munang tumunog ang plaka
Kahit ito ay sintunado na
Nagasgas sa kabibigay ng musika
Ito ay wala na nga sa tamang timpla

Hayaan mo munang sumaliw ang sonata
Sa agos ng buhay nakikibaka
Kahit katawan ay pagal na
Damdamin nag – uumapaw pa

Hayaan mo munang tumugtog ang gitara
Pansamantalang magbibigay ng saya
Kahit ang kuwerdas gula – gulanit na
Ang puso paos na sa kakangawa

Hayaan mo munang pumainlang ang piyano
Umindayog sa saliw na pinaabot nito
Kahit ang kuwerdo ay wala sa tono
Niyuyurakan, nilapastangan ang pagkatao

Hayaan mo munang pumalahaw ang orchestra
Magbigay aliw sa mga bisita
Kahit boses ay paos
Sa kasisigaw, tainga ay nalapnos

Hayaan mo muna, at ako’y pakinggan
Awitin ng puso sadyang may hangganan
At ng maputol yaring kahibangan
Pagsusumamo ko ngayon lang naman

Hayaan mo muna ako, ito’y tuldukan
Ang tempo ko’y pahinaan
Magpahinga na ang aking isipan
Nang matikman ang kaginhawaan…

Advertisements

Hello world!

March 23, 2010

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!